Mga tip sa pagbuo ng koponan
Mahalaga ang pagbuo ng mahuhusay na koponan upang mabilis na umunlad sa Gems of War. Maaaring maging mahirap ang pagbuo ng mahusay na koponan; narito ang ilang pangkalahatang gabay na dapat sundin.
Mga pangunahing kaalaman at karaniwang tip
Bumuo para sa bilis - kung mayroon kang 3 Dwarven Gate sa iyong Koponan, maghanda ka para sa NAPAKAHABANG mga Laban. Mas marami kang Laban na matatapos, mas marami kang Matatanggap na Gantimpala!
Huwag humarang sa Mana - ayusin ang iyong mga Troop sa Koponan upang hindi magkaroon ng mga Troop na magkakapareho ng kulay sa unahan ng iba, o iwasan ang maraming Troop na magkakapareho ng kulay ng Mana. Pipigilan nito ang iyong mga Troop na mapuno ang kanilang kapangyarihan nang sapat na mabilis bago sila mapatay.
Ilagay sa unang posisyon ang pinakamatibay mong Troop o ang iyong Hero - Ang mga Troop na may Traits na nagpapababa ng Skull Damage, gumagawa mismo ng maraming Skull Damage, tumatanggap ng dagdag na Skill Points dahil nasa unang posisyon, o nagbibigay sa sarili nila ng maraming Armor, Life, o Attack ay mabubuting pagpipilian para sa unang puwesto ng Troop. Ang mga Troop na ito ang makakatanggap ng pinakamaraming pinsala at poprotekta sa ibang Troop sa koponan.
Gumamit ng mga tagalikha ng Mana- gumamit ng kahit 1 Troop na magbibigay-daan sa iyong mabilis na mapuno ang iyong Mana. Kung mas marami kang Spells na magagamit kaysa sa kalaban mo, malamang na mananalo ka!
Halimbawa: Valkyrie, anumang uri ng Troll, o Nyx.
Gumamit ng mga Exploder - Sa tamang kombinasyon ng Koponan, ang mga Troop na Nagpapasabog ay maaaring maiwanan ang kalaban mo dahil sa dagdag na Mana na nalilikha nila mula sa mga Sumasabog na Gem, sa dagdag na Skull Damage na magagawa nila, at sa dagdag na pagkakataong makabuo ng sunod-sunod na masuwerteng tugmang 4/5 Gem para sa mga dagdag na turno. Maaaring maging maraming-gamit ang mga Exploder dahil hindi sila umaasa sa umiiral na mga Gem sa board upang makalikha ng mas maraming Mana (hal., dinodoble ng ilang Troll ang bilang ng mga Gem)
Gamitin ang mga bonus ng Kingdom at Troop Type - kung makakabuo ka ng mahusay na Koponan ng mga Troop na lahat ay mula sa iisang Kingdom - o lahat ay may parehong Troop Type (o pareho) - makakakuha ang iyong Koponan ng maraming dagdag na Skills!
Piliin nang mabuti ang iyong Banner - Alalahanin ang mga penalty sa isang Banner (hal. -1 Yellow Mana) at sikaping iwasan ang mga penalty sa mga kulay na ginagamit ng iyong Koponan. Gayundin, kahit na karamihan ng iyong Koponan ay Green, maaaring mas epektibo pa ring hindi piliin ang +2 Green Mana Woodlands Banner. Sa halimbawa ng Goblin Team sa ibaba, may 3 Green Troop ngunit napakahalaga si Princess Fizzbang, na gumagamit ng Purple/Blue, sa estratehiya kaya pinili ang +1 Green +1 Purple Dark Elven Banner sa halip na +2 Green Woodland Banner.
Bumuo ng mga Koponan upang makamit ang mga partikular na layunin/matalo ang ilang uri ng Koponan - hal. ang mga Goblin, dahil sa kanilang mga dagdag na turno, ay mahusay laban sa mga koponang may mataas na pinsala ngunit mabagal lumikha ng Mana. Pinipigilan ng mga Freeze Team ang mga Goblin na makakuha ng dagdag na turno; ang mga Troop na may Impervious ay hindi tinatablan ng Freeze. Maaaring walang silbi ang mga Fire Bomb Team sa PVP, ngunit mabilis silang Explorer.
Gamitin ang iyong Hero - Ang Hero ay isang Troop na madalas minamaliit. Kung nahihirapan kang punan ang isang partikular na puwesto sa koponan, subukang gamitin ang Hero: maraming sandata ang maraming-gamit o maaaring pumuno sa kinakailangang kakulangan.
I-unlock ang Astral Spire - Simple lang ito, ngunit may ilang bonus sa Astral Spire na babagay sa istilo mo ng paglalaro o magbibigay ng dagdag na bonus sa lahat ng troop!
Bumuo ng Koponan na mahusay na gumagana kasama ng pinakamahusay mong Troop
Isang estratehiya ang hanapin ang Troop na may pinakamataas mong Rarity at ibatay ang iyong Koponan sa mga Troop na mahusay na gumagana kasama nito. Mabisa ang estratehiyang ito kahit bago ka pa sa laro at wala ka pang maraming Troop.
Halimbawa: Kung sinuwerte kang makahanap ng The Dragon Soul, isaalang-alang ang pagbuo ng Dragon Team na hindi sumasalungat sa mga kulay ng The Dragon Soul.
Maaari mong isaalang-alang ang:
Paggamit ng Dragonguard Class para sa iyong Hero.
Paggamit ng Troop na lumilikha ng Mana na lumilikha ng Red/Purple Gems.
Paggamit lamang ng iba pang Dragon sa iyong Koponan upang makatanggap ng Dragon Team Bonus.
Paggamit ng Dragon Egg upang makapagpatawag ng mas maraming Dragon.
Dahil maraming pinsala ang ginagawa ng The Dragon Soul at nagpapasabog ito ng mga Gem, maaari kang gumamit ng Dragon Troop na nagpapataas ng Life, gaya ng Celestasia, upang mabigyan ang iyong Koponan ng dagdag na depensa.